Pisikal na katangian ni crisostomo ibarra biography
Sadyang napakaraming mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Ang bawat karakter sa kwento ay may mga sinisimbulo sa lipunang ginagalawan ng ating pambansang bayani. Alamin kung sinu-sino ang mga tauhan sa kwento at kung anu-anong mga papel ang kanilang ginampanan.
Crisostomo Ibarra
Si Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela. Siya ang nag-iisang anak at tagapag-mana ni Don Rafael Ibarra. Dahil siya ay nagmula sa mayamang pamilya, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-aral sa Europa. Matapos ang kanyang pamamalagi sa Europa, siya ay nagpasyang umuwi.
Matagal na niyang pangarap na makapag-patayo ng isang iskwelahan upang mapaunlad ang kinabukasan ng mga bata sa kanilang bayan.
Siya ay itinuring na eskumulgado matapos niyang tangkain na saksakin ang Pransiskanong prayle na si Padre Damaso. Bagamat siya ay pinalusot sa unang pagkakataong, nadawit siya sa isang pag-aalsa kaya tuluyan siyang tinugis ng mga kinauukulan.
Maria Clara
Si Maria Clara ay an